Patay ang isang estudyanteng babae ng Rizal High School sa Pasig City matapos umanong mahulog sa hagdan habang nagse-selfie.
Sinasabing nahilo at nawalan ng balanse ang 14-anyos na mag-aaral habang kinukunan ng larawan ang sarili kasama ang isang kaklase sa hagdanan sa ikatlong palapag ng IR building ng paaralan.
Naitakbo pa ito sa Rizal Medical Center ngunit binawian din ng buhay makalipas ang isang oras.
Dakung alas-10:21 Lunes ng umaga nang mangyari ang pagkahulog ng dalagita sa hagdan.
Sinasabing nangyari ang insidente sa oras ng klase pero dahil walang guro kaya nakalabas ng klasrum ang mga estudyante.
Napag-alaman ding may history umano ng pagkahilo ang biktima.
Duda naman ang pamilya ng nasawing estudyante.
Ayon sa ina at tiyuhin nito, kahit minsan walang naidaing na pagkahilo o anumang sakit ang biktima.
Kaduda-duda rin anila ang pinsalang natamo ng biktima kabilang ang putok sa ulo, pasa sa tagiliran at nabaling tadyang na tumusok pa sa kidney ng mag-aaral.
Pagtataka ng mga ito, walang tinamong sugat o galos sa mukha ang biktima gayong nakaupo ito sa hagdanan kasama ang mga kaklase nang mahulog.
Nais malaman ng pamilya ang buong katotohanan kaya nanawagan sila sa pamunuan ng eskwelahan at iba pang estudyante na nakasaksi.
Hiling ng pamilya, malalimang imbestigasyon sa kaso para sa katarungan sa biktima.
Wala pang pahayag ang pamunuan ng Rizal High School, maging ang DepEd ukol sa insidente.
Nakatakdang iuwi ng Barangay San Gabriel sa Laurel, Batangas ang labi ng mag-aaral para doon ilibing.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Estudyanteng nagse-selfie, patay nang mahulog umano sa hagdan ng paaralan.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Thursday, July 3, 2014
1:08 PM