Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
"Glenda", nakalabas na; "Henry" papasok pa lamang sa PAR.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Thursday, July 17, 2014
9:30 AM
Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang Bagyong "Glenda".
Alas-8:00 nito lang umaga nang lumagpas sa mata ng bagyo sa PAR line.
Nasa West Philippine Sea na ito ngayon at patungo ng China.
Sa pagtaya ng ilang International Weather Agencies, posibleng tumama ito sa Hainan, China at dumiretso sa Vietnam.
Samantala inaasahang hihilahin nito ang Habagat o Southwest Monsoon na siya namang magpapaulan sa bahagi ng bansa.
Sa ngayon, patuloy ang pag-antabay ng Pagasa sa Low Pressure Area o LPA sa silangan ng hilagang Mindanao.
Nakikitang sa loob ng 24 oras, papasok ng PAR ang sama ng panahon, sakaling lumakas pa at maging ganap na bagyo, tatawagin itong "Henry." | via@DOST_PAGASA