TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Guro, ipinaaresto ang adik na anak.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Tuesday, July 8, 2014

Ipinaaresto ng isang guro ang kanyang anak dahil sa pagkakalulong sa iligal na droga.

Dinala sa himpilan ng pulisya ni Gng. Anita Calleda, 56-anyos, ng Diffun, Quirino, ang anak na si Robinson, 34-anyos, matapos siyang guluhin at pagbantaan sa loob ng sinasakyan nilang tricycle.

Galing sa Bayombong, Nueva Vizcaya ang mag-ina at pauwi sa Diffun, Quirino nang maganap ang pagbabanta ng anak habang sila ay nasa Cordon, Isabela.

Humihingi umano ng pera si Robinson at nagbanta sa ina na kapag hindi magbigay ay manggugulo kaya ipinadiretso ng guro ang sinasakyan nilang tricycle sa presinto.

Inamin ng ginang na lulong sa iligal na droga ang kanyang anak at pumayag siya na kapkapan ito ng mga pulis.

At nakuha naman sa bulsa ni Robinson ang isang plastic sachet ng shabu.

Tatlong beses nang isinailalim sa rehabilitation ang anak at marami nang ari-arian ang kanilang naibenta ngunit hindi pa rin ito nagbago.

Sasampahan si Robinson Calleda ng paglabag sa Article 2 ng Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments