TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Higit 20katao ang nasawi habang lima ang nawawala sa hagupit ni "Glenda"

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Thursday, July 17, 2014

Mahigit sa 20katao ang naitalang nasawi dahil sa paghagupit ng Bagyong "Glenda" sa bansa.

Sa Palatiw, Pasig City, patay si Jomark Diaz, isang fire volunteer matapos mabagsakan ng bubong at bahagi ng terrace ng barangay hall.

Kinumpirma naman ng Rizal Disaster Risk Reduction and Management Council na nasawi sa pagbagsak ng isang puno sa bahay nito si Felizardo Ramos, 70-anyos, sa Brgy. Tayuman, Binangonan.

Isang lola rin ang nasawi matapos mabagsakan ng puno sa kasagsagan ng pagbugso ng hangin at ulan sa Cainta, Rizal. Kinilala ang biktima na si Angelica Guariño, 60-anyos.

Walo naman ang naitalang patay sa iba't ibang bahagi ng Batangas. Tatlo ang nadaganan ng puno, dalawa ang natabunan ng gumuhong bahay, dalawa ang tinamaan ng kidlat at isa ang inatake sa puso.

Kinilala ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang mga biktima na sina: Cesar Alazar, Brgy. Tiquiwan, Rosario; Rommel Batalier, Brgy. Tambo, Lipa City; Matea Rapal, Brgy. Pansipit, San Nicolas; Ramil Latag, Brgy. Nangkaan, Mataas na Kahoy; Gugu Latag, Brgy. Nangkaan, Mataas na Kahoy; Tomas Montalbo, Brgy. Aplaya, Bauan; Mercedes Grumal, Brgy. Pantalan, Nasugbu at March Anthony Grumal, Brgy. Pantalan, Nasugbu

Sa Quezon, anim naman ang naitalang patay. Kabilang dito ang tatlong nadaganan ng gumuhong pader sa Brgy. Market View. Kinilala ang mga biktima na sina Naneth Sibuc Artificio, 48-anyos; Arlyn Artificio Cabaleda, 20-anyos; at Adrian Cibuc Artificio, 8-anyos.

Sa Padre Burgos, Quezon, nadaganan naman ng punongkahoy si Rodel De Luna.

Nagsasagawa naman ng clearing operations ang Quezon Provincial Mobile Force sa Tiaong nang madiskubre ang bangkay ng 7-taong gulang na si Jon Paulo Mendez.

Sa Calauag, Quezon, nadaganan ng punongkahoy ang mag-ina. Sugatan ang nanay habang patay ang anak nitong kinilalang si Janel Gonzales Gallego.

Namatay din ang isang 11-buwang sanggol na si Renz Benedict Lodrado matapos mabagsakan ng pader sa bahay.

Nasawi rin si Edward Pe nang tamaan ng bumagsak na puno ang sinasakyang motorsiklo.

Patay din si Reynaldo Meneses, 49-anyos, na nabagsakan ng puno habang natutulog sa isang improvised tent sa Plaridel, Bulacan sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.

Sa Lubao, Pampanga, inatake naman sa puso si Janet Pilapil, 31-anyos, matapos masira ang kanyang bahay batay sa report ng PDRRMC.

Sa Bayawan, Negros Oriental, patay ang magkapatid na paslit matapos madisgrasya sa pagtawid sa Tabuan River nitong Martes ng hapon. Ayon sa Office of Civil Defense (OCD)-Central Visayas, sinubukang tumawid nina Julie Junalis, 10-taong gulang at Juvira, 6, sa lawa habang kasagsagan ng sama ng panahon pero inanod ng rumaragasang tubig.

Isang nurse na kinilalang si Lourdes Ongray Lim, 25-anyos, ang patay din matapos madaganan ng bumagsak na poste ng kuryente sa Allen, Samar.

Sa tala naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC hanggang alas-6:00 kagabi, kabuuang 20 ang bilang ng mga nasawi sa Bagyong "Glenda" habang pito ang sugatan at lima pa ang nawawala. | via@NDRRMC

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments