TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Hostage drama sa Davao City inabot ng 8-oras.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Wednesday, July 23, 2014

DAVAO CITY - Matapos ang walong oras na hostage taking sa loob ng isang insurance company, na-rescue na rin ang tatlong mga bata sa Times Beach Ecoland sa lungsod ng Davao.

Naging matagumpay ang negosasyon ni Brgy R. Castillo Agdao Chairman Mar Masanguid sa pangunahing suspek na si Dennis Bandujo na pinakawalan ang mga biktima.

Una rito, alas-11:00 pa kagabi nang magsimula ang hostage taking sa DenBan Insurance Company kung saan mismong ang nagmamay-ari ng nasabing establisyemento ang isa sa mga suspek.

Napag-alaman ng Bombo Radyo Davao na ang establisyemento ay isa ring boarding house kung saan naninirahan ang mga empleyado ng kompaniya.

Ang tatlong mga suspek ay nakilalang sina Dennis Bandujo, ang may-ari at padre de pamilya, kapatid nitong si Jimmy Bandujo at ang bodyguard na si Jorey Gillojano.

Una nang kinumpirma ni S/Supt Vicente Danao Jr., Davao City Police Office director na aabot sa 11 indibidwal ang unang hawak ng mga suspek kasama na ang tatlong anak ni Dennis ngunit kinalaunan ay isa-isang nakalabas ang mga biktima.

Hindi rin umano nila minadali na makuha ang mga bata dahil sa may hawak na armas itong si Dennis.

Away pamilya ang sinasbaing dahilan ng may-ari ng insurance company upang gawin ang nasabing hostage taking.

Lasing umano ang tatlo at may hawak pa ng .45 gloc pistol ang isa sa mga suspek.

Sa ngayon nasa kustudiya na ng mga otoridad ang mga biktima at ang mga suspek naman ay dinala na ng mga pulis sa himpilan para sa kaukulang imbestigasyon. | via@BomboRadyoDavao

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments