TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Ilongga OFW na umano'y nahulog sa 43rd floor sa HK, depressed ang dahilan.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Monday, July 7, 2014

Kinumpirma ng kaibigan ng Ilongga domestic helper sa Hong Kong na unang iniulat na nahulog mula sa ika-43 na palapag ng gusali, na ito ay dumaranas ng depression.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Sheryl Servas, nagkita sila ng biktima na si Arlene Carbon, tubong Brgy. Tahing, Calinog, Iloilo, ilang araw bago ang nangyari dito at napansin niyang malungkot ang biktima.

Ayon kay Servas, nakapagsabi si Carbon na ito ay depressed at hindi makatulog dahil humihingi ng pera ang kanyang kapatid upang matubos ang kanilang lupain.

Hindi naniniwala si Servas na may foul play sa pagkamatay ng Ilongga Overseas Filipino Worker o OFW dahil sa kanyang pagkakaalam, mahal ito ng kanyang amo at hindi naman niya narinig na nagrereklamo ang biktima laban sa amo.

Mismo ang amo pa aniya ni Carbon ang nag-alok dito na magbakasyon muna sa Pilipinas dahil nakikita nitong malungkot ang biktima.

Malapit din aniya si Carbon sa isa nitong alaga na namatay dahil sa aksidente kung saan pumayat pa ito dahil apektado rin sa pinagdadaanan ng kanyang amo.

Napag-alaman na ang kapatid ng biktima na si Ninfa Carbon ay naniniwala na sadya itong tinulak at hindi totoong nag-suicide katulad ng sinabi ng amo nito.

Ang bangkay ng nasabing Ilonga OFW ay nananatili sa mortuary sa Hong Kong at hinihintay ang pagdating ng kapatid nito upang opisyal na ma-identify at maisalalim sa autopsy examination. | via@BomboRadyoIloilo

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments