Itinuturing ng isang Ilongga Overseas Filipino Worker sa Tel Aviv, Israel na pinakamalalang karanasan ang kanyang nararanasan ngayong bakbakan sa pagitan ng Israeli force at ng mga militanteng Hamas sa Gaza Strip.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Manang Vicky, sa 16 na taon na pananatili niya sa Israel, ngayon ang kanyang maituturing na pinakamalalang nangyayari dahil umaabot na sa kanila sa Tel Aviv ang rocket mula sa Gaza Strip.
Sa loob ng 13 araw nang sagupaan, bawat araw aniya ay naririnig nila ang sirena sa Tel Aviv na hudyat na may papasok na rocket.
Bagama't may Iron Dome defense system ang Israel na siyang nag-i-intercept sa missile o rocket na pumapasok sa kanilang teritoryo, kinakabahan pa rin sila dahil hindi naman 100 percent ang accuracy nito.
Ayon kay Manang Vicky, dinig na dinig nila kapag sumabog ang rocket or missile sa himpapawid kung saan yumayanig rin ang building na kanilang kinaroroonan.
Kung siya naman ay kinakabahan, balewala naman ito sa kanyang anak kung saan pinapanood pa nito sa himpapawid ang pagsabog ng missile matapos sinalubong ng interceptor missile ng Iron Dome.
Gayunpaman, walang balak na umuwi ng bansa si Manang Vicki at wala rin naman abiso sa kanila ang embahada.
Masaya siya aniya sa pagtatrabaho niya sa Israel dahil mababait naman ang mga Israelis sa kanila at mistulang bahagi na rin ng kanilang pamumuhay doon na makarinig ng putukan at sirena. | via@BomboRadyiIloilo
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Ilongga OFW's sa Israel, pinakamalala ang nararanasang bakbakan sa Gaza.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Monday, July 21, 2014
9:53 AM