Pinatay ng sariling anak ang kanyang ina sa lungsod ng Davao.
Nakilala ang biktima na si Nelia Orbita Paculba, 55-anyos, residente ng San Antonio Purok 8, Bakbak District, lungsod ng Davao habang nakilala naman ang anak na suspek sa krimen na si Reynold Paculba, 25-anyos.
Kinumpirma ng Bakbak Police Station ang naganap na karumal-dumal na krimen.
Pinugutan ng ulo ng anak ang kanyang ina, binalatan ang mukha nito at binuksan ang tiyan at kinuha ang lamang loob.
Naniniwala ang pulisya na may diperensiya sa pag-iisip ang suspek dahil sa brutal na pagpatay nito sa sariling ina.
Posible rin umano na depressed ang suspek dahil kakamatay pa lamang ng kanyang ama dahil sa sakit.
Hindi pa nakuntento ang suspek at tinanggalan ng mukha ang biktima at isinilid sa cellophane.
Kasong parricide naman ang isinampa laban kay Reynald.
Bago naganap ang brutal na krimen, may nakapansin na sa suspek na nagpapakita ng ibang pagkilos.
Isinailalim na ito sa psychological exam upang malaman kung may diperensya ito sa pag-iisip. | via@BakbakPoliceStation
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Ina pinugutan ng ulo at binalatan ang mukha ng sariling anak sa Davao.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Monday, July 14, 2014
9:33 AM