BACOLOD CITY - Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang ina sa kamay mismo ng kanyang sariling anak matapos pinugutan ng ulo.
Kinilala ang biktima kay Edelina Gabitanan, 70-anyos habang ang suspetsado ay kinilala kay Percival Gabitanan, 34-anyos at residente ng Villa Esperanza, Brgy. Tangub, Bacolod City.
Ayon sa Bacolod Police Station 8, nangyari ang insidente dakong alas-2:00 kaninang umaga.
Sa pagresponde ng mga pulis ay bumulaga sa kanila ang pugot na ulo ng biktima sa loob ng bahay, samantalang nasa likuran ng bahay naman nakita ang katawan nito.
Kaagad naman nahuli ang salarin na nasa loob pa ng bahay.
Sabi ng suspek, aswang umano ang tingin niya sa kanyang ina kaya hinampas niya ito ng kawayan at pinagtataga sa leeg.
Ang pagkalulong sa droga umano ng suspek ang tinitingnan na dahilan ng pulisya sa nasabing krimen. | via@BPS8
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Ina, pinugutan ng ulo; suspek, sariling anak.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Friday, July 25, 2014
9:44 AM