Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
'Inday', nananatili ang lakas; 1 pang bagyo, papalapit.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Wednesday, July 30, 2014
9:27 AM
Nananatili ang lakas ng bagyong Inday habang nasa silangan ng hilagang Luzon.
Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 610 kilometro sa silangan timog silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas na 55 kph, habang kumikilos nang pahilagang kanluran sa bilis na 19 kph.
Dahil dito, palalakasin ng tropical depression Inday ang hanging habagat at asahan ang buhos ng ulan sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Cagayan Valley, Zambales at Bataan.
Samantala, isang tropical storm sa karagatang Pasipiko ang binabantayan ngayon.
Nasa layong 2,000 kilometro pa anya ito mula sa bansa.
Sakaling hindi magbabago ng direksyon, tagiliran o sulok lamang ng PAR sa hilagang-kanluran ang tutumbukin nito.
Ngunit oras na lumakas pa ito at maging bagyo, pag-iibayuhin nito ang Habagat.
Sa oras pumasok ito ng PAR ay tatawagin itong Bagyong Jose. | via@DOST_PAGASA