TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Isang lalake sa La Union, nagpakamatay dahil sa umano'y pagkakaroon ng kabit?

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Tuesday, July 22, 2014

Nagpatiwakal umano ang isang mangingisda sa lungsod ng San Fernando, La Union sa pamamagitan ng pag-inom ng lason dahil sa problema sa pamilya.

Nakilala ang biktima na si Linberg Cariño, 36-anyos, may asawa, residente ng Barangay San Francisco ng nasabing lungsod.

Idineklarang dead-on-arrival sa Ilocos Training and Regional Medical Center o ITRMC ang biktima.

Bago ang insidente, nasambit umano ng biktima na magpapakamatay habang nakikipag-inuman kasama ang ilang kakilala at kamag-anak nito.

Ang problema ng biktima ay may kaugnayan umano sa napapabalitang pagkakaroon nito ng ibang karelasyon na babae.

Sa ngayon, nilalamayan na ang bangkay ni Cariño sa kanilang tahanan.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments