Kinumpirma ng DFA na isang Pinoy ang pinugutan ng ulo sa bansang Libya sa gitna ng umiigting na kaguluhan sa nasabing bansa.
Ang nasabing Pinoy ay nagtatrabaho bilang construction worker sa Libya.
Sa nakuhang impormasyon, dinukot ang biktima noong Hulyo 15 at natagpuan na lang ang katawan nitong pugot na ang ulo sa isang ospital noong Hulyo 20.
Ang mga militiamen sa Libya ang pinaniniwalaang nasa likod ng karahasan.
Noong una nakipagnegosasyon ang mga abductors sa kompanya ng Pinoy na humihingi ng $160,000 na ransom.
Pero noong Hulyo 20 ay nakatanggap na lamang ng tawag ang kompanya na pinapapunta ang mga ito sa ospital sa Benghazi kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima na naaagnas na.
Ito ang dahilan kung bakit iniutos ng DFA ang mandatong repatriation ng nasa 13,000 mga Pinoy sa Libya.
Sa ngayon, 207 mga Pinoy pa lang ang nagparehistro sa embahada sa Tripal para umuwi ng Pilipinas. | via@DFA
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Isang Pinoy sa Libya ang pinugutan ng ulo.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Tuesday, July 22, 2014
9:52 AM