TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

K-12 Program, pinapahinto ni Senator Trillanes?

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Wednesday, July 23, 2014

Pinahihinto muna ni Senator Antonio Trillanes ang K-12 na programa ng gobyerno.

Ayon kay Trillanes, hindi pa napapanahon ang nasabing programa dahil marami pang problema ang kailangang resolbahin gaya ng problema sa sistema ng edukasyon.

Napag-alamang nag-ikot ang senador isa ibat-ibang bahagi ng bansa para magsagawa ng konsultasyon sa programa ng gobyerno para sa edukasyon.

Dito nalaman ni Trillanes na marami pang kailangang ayusin ang gobyerno sa mga paaralan sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Pinuna rin ng Senador ang pahayag ng gobyerno na nasolusyunan na ang problema sa silid-aralan, kagamitan ng mga estudyante, kakulangan ng mga guro at ang mababang sahod.

Maliban rito, wala rin umanong plano ang pamahalaan sa inaasahang pagkakatanggal ng higit sa 85,000 na mga guro at empleyado sa mga kolehiyo sakaling magsimula na ang programa sa 2016.

Kulang din umano ang training ng mga guro para sa pagpapatupad ng K to 12 na minsan ay sila pa ang sumasagot sa gastos para lamang makapag-training para mapaghandaan ang nasabing programa.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments