Hanggang ngayon ay nababalot pa rin sa takot ang mga Cordillera Overseas Filipino Workers o OFW's sa Libya dahil sa walang humpay na pagsabog ng bomba at putukan doon.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Beverly Ganu Agustin mula sa Mt. Province na nagtratrabaho bilang nurse sa Tripoli Medical Center na isa sa pinakamalaking pagamutan sa Libya, gustuhin man niya na umuwi pero hindi niya magawa dahil iniisip pa rin nila ang hirap ng buhay sa bansang Pilipinas.
Aniya, alam nila ang utos ng Department of Foreign Affairs na mandatory repatriation sa mga Pilipino roon pero sinabi nito na mananatili sila roon hangga't hindi pa gaanong apektado sa kaguluhan.
Dagdag pa niya, nagdodoble ingat na lamang sila para hindi madamay sa kaguluhan at maipagpatuloy nila ang kanilang trabaho upang may maipadala sa kanilang pamilya na iniwan dito sa Pilipinas. | via@BomboRadyoBaguio
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Kahirapan sa Pilipinas, pumipigil sa mga OFWs sa Libya na umuwi.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Thursday, July 24, 2014
9:41 AM