TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Kamag-anak ng Pinoy victim sa Malasian plane crash, umaapela ng tulong para mauwi ang kanilang bangkay sa bansa .

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, July 19, 2014

Umaapela ng tulong ang pamilya ng mga Pinoy na kasama sa mga nasawi sa pagbagsak ng Malaysian Airlines Flight MH17 sa Eastern Ukraine.

Sinabi ng mga kamag-anak ni Irene Gunawan na nais nilang maiuwi sa Pilipinas ang mga labi nito, kasama ang dalawa anak na sina Sherlyn Shania, Darryl Dwight at ang mister nitong Indonesian na si Bujanto Gunawan.

Napag-alaman na uuwi sana sa bansa ang mag-anak para sa reunion ng pamilya ni Irene. Ayon sa kapatid nitong si Celso Pabillon, nais nila na makita ang mga labi ng kaniyang kapatid at pamilya nito sa Ukraine. 

Ngunit aminado silang malabo ito kaya ipinapanalangin na lang nila ang mga ito dahil wala na aniya silang magawa kung ito ang ibinigay ng tadhana.

Ang pamilya ni Irene ay nasa Pagbilao, Quezon at ito ang nagsisilbing breadwinner kung saan pinapaaral nito ang kaniyang mga pamangkin.

Ito rin umano ang nagbibigay ng tulong pinansiyal sa kaniyang extended family.

Napag-alaman din na summer break ngayon ng mga anak ni Irene sa paaralan sa Netherlands, kaya ang mga ito uuwi sana ng Pilipinas.

Samantala, una nang tiniyak ng Department of Foreign Affairs o DFA na ibibigay ang lahat na tulong para sa pamilya ni Gunawan kung nais ng mga itong puntahan ang labi ng biktima kung saan man ito dalhin.

Mistula umanong nagkaroon ng premonisyon si Irene sa nasabing trahedya.

Ayon sa hipag ni Irene, bago sumakay ng eroplano sa Schipol Airport sa Amsterdam, nag-text sa kaniya ang biktima na nagsasabi ng "bye" at "love you".

Unang beses daw ginawa ni Irene na magsabi ng "bye" sa kaniyang mga texts at madalang din ito magsabi ng "love you".

Bago raw nito kinumusta pa ni Irene ang kaniyang pamilya dahil sa bagyong Glenda at nangako na magpapadala ng tulong.

Nang marinig ng pamilya ni Irene ang balita tungkol sa MH17, kinabahan daw sila.

Alam aniya nila na sakay ng eroplano si Irene at pamilya nito dahil ang mister nitong si Bujanto ay nagtatrabaho sa Malaysia Airlines.

Tuwing umuuwi ng Pilipinas, ito rin ang madalas na sakyan ng biktima.

Ayon sa kaniyang pamilya sa Pagbilao, Quezon, napakamatulungin ni Irene dahil ito ang nagbibigay ng financial support sa kanila.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments