TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Kasambahay patay nang makuryente.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Friday, July 18, 2014

Idineklarang dead on arrival sa Mindanao Medical Center ang isang kasambahay matapos makuryente sa hinahawakan nitong poste na ginagamit sa pagpitas ng santol.

Kinilala ang biktima na si Maricel Retardo, 31-anyos, residente ng Banate, Malungon Sarangani Province. 

Ayon sa mga kasamang kasambahay, magtatatlong buwan pa lamang ang biktima sa bahay ng pamilyang Agillina sa San Isidro, General Santos City.

Nakita umano nila ang pagkuha ng biktima sa isang bakal na poste para makuha ang bunga ng santol subalit hindi niya nahawakang mabuti ang poste.

Dahil dito ay natumba ang poste sa kawad ng kuryente at bigla na lamang itong nangisay.

Dahil sa lakas ng kuryente na pumasok sa katawan ng biktima, pumutok ang ilang bahagi ng katawan nito. 

Nasa isang punerarya na ang bangkay at nakatakda ng iuwi sa kanilang bahay sa Sarangani Province.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments