Sinuspinde na ng Department of Education o DepEd- Division of Iloilo City ang klase sa elementarya at sekondarya sa Lungsod ng Iloilo.
Ito ay kasunod ng nararanasang baha bunsod ng patuloy na buhos ng ulan.
Sinuspinde ang klase matapos pinasok ng tubig baha ang maraming paaralan sa lungsod.
Napag-alaman na sa Sa Lapaz-1 Elementary School, umaabot na sa beywang ang tubig-baha kung saan nag-iiyakan na ang mga estudyante.
Sa ngayon, marami pa ang mga estudyante na stranded sa mga paaralan at naghihintay na masundo ng kanilang mga magulang.
Una rito, kahapon pa lang inalerto na rin ng City Government ang City Emergency Responders at mga punong barangay sa gagawing evacuation kung kinakailangan.
Samantala, nakaalerto rin ang Iloilo Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO at patuloy ang monitoring sa level ng tubig sa mga ilog sa lalawigan ng Iloilo kung saan tumaas na rin ang tubig sa ilang bayan sa 1st district kabilang ang Tigbauan at Oton.
Napag-alaman na simula pa noong Sabado ang buhos ng malakas na ulan sa lungsod at lalawigan ng Iloilo.
Todo higpit din ang Coast Guard- Iloilo sa pagbabantay sa biyahe ng mga motor banca na Iloilo-Guimaras, vice versa.
Ayon sa Coast Guard-Iloilo, bagama't tuloy aniya ang byahe ng mga motor banca na Iloilo- Guimaras, may pagkakataon na pinatitigil nila ito dahil sa lakas ng hangin at malakas na buhos ng ulan.
Kinumpirma rin nito na kahapon, isang passenger motorbanca na may 50 passenger capacity ang tumaob matapos hinampas ng malaking alon habang nasa McArthur Wharf sa bayan ng Buenavista, Guimaras.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Klase sa Iloilo, suspendido dahil sa hanggang beywang na baha.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Monday, July 7, 2014
1:37 PM