Binawian ng buhay ang 27-anyos na lalaki sa Brgy. Buhang, Hamtic, Antique dahil umano sa kagat ng kanyang kuya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo sa ama ng biktima na si Reynaldo Sasi, lasing umano ang kanyang anak na si Randy, 32-anyos, at tinangkang suntukin ang kanilang ina kaya pumagitna ang biktima na si Rodel.
Doon na at kinagat nito ang biktima sa kaliwang bahagi ng dibdib na siyang kanilang pinaniniwalaang dahilan ng pagkamatay nito.
Ayon sa pamilya, maliban sa kagat, wala na ring ibang sugat na tinamo ang biktima.
Napag-alaman na dead on arrival ang biktima sa Anghel Salazar Memorial Hospital sa San Jose, Antique.
Hindi naman kinukumpirma ng pamunuan ng ospital na ang pagkagat sa dibdib ng biktima ang sanhi ng pagkamatay nito hangga’t hindi ito naisailalim sa autopsy examination.
Sa paliwanag naman ni Dr. Roy Trinidad, Chief ng Surgical Department ng West Visayas State University Medical Center, wala namang vital organ na maaring mapinsala kapag kinagat ang isang tao sa dibdib dahil protektado naman ng tadyang ang puso.
Ayon sa doktor maaari na nagkaroon ng malubhang pinsala sa katawan ng biktima na posibleng dulot ng pakikipagbuno sa kapatid nito na siyang kumagat dito kagaya na lamang ng blood clot sa ulo.
Desidido naman ang ama ng biktima na ipakulong ang isa nitong anak dahil palagi na lamang umano itong nagwawala kapag lasing. | via@BomboRadyo_Iloilo
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Lalaki, patay sa kagat ng kuya?
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Friday, July 18, 2014
9:15 AM