Nakuryente ang isang lalaking hinihinalang nagkakabit ng ilegal na koneksyon o jumper sa bahagi ng Bambang Street malapit sa Abad Santos sa Tondo, Maynila.
Sumabit sa poste ng Manila Electric Company o Meralco ang lalaking kinilalang si Eduardo Angor, 43-anyos.
Nahirapan ang mga lokal na rescuer at tauhan ng Meralco na ibaba ang lalaki mula sa poste dahil sumabit pa ang mga paa nito sa sala-salabat na kawad.
Inaalam pa kung bakit umakyat ang lalaki sa poste.
Ayon sa lola ng lalaki, nagising siya na natutulog pa sa kanilang bahay ang anak.
Ngunit nabigla ito nang pagsapit ng alas-8:00 nito lang umaga nang tawagin ng mga kapitbahay dahil sa nangyari sa apo.
Inaalam pa ang kondisyon ng lalaki matapos makuha sa pinagsabitang mga kawad ng kuryente. | via@ABS-CBNnews
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Lalaking umakyat sa poste, nakuryente.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Tuesday, July 8, 2014
10:04 AM