Inanunsyo ngayon ng Miami Heat superstar na si LeBron James na nakapagdesisyon na itong bumalik sa Cleveland Cavaliers.
Ayon kay James, babalik na ito sa kanyang home town pagkatapos ng apat na taong inabandona ang Cavaliers para maglaro sa Heat.
Sinabi niya, mas mahalaga umano ang relasyon nito sa kababayan sa Northeast Ohio kaysa sa basketball at ngayon lang niya ito napagtanto.
Nabatid na nanatili sa Cleveland si James sa pitong NBA seasons at apat na taon naman sa Heat.
Ayon kay James, napunta siya sa Miami dahil sa mga itinuturing niyang kapatid na sina Dwyane Wade at Chris Bosh at ang relasyon niya sa dalawa ang pinakamabigat na maiiwan niya sa pagbalik sa Cavaliers.
Nilinaw ng four-time MVP na wala silang samaan ng loob ni Heat coach Erik Spoelstra o ng team president na si Pat Riley kaya niya iniwan ang koponan.
Sa ngayon, susubukan naman ni ng tubong Akron, Ohio na si James na maipanalo ang Cleveland sa susunod na season ng NBA.
Noon pa man aniya, naniniwala siyang sa Ohio magtatapos ang kaniyang career.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
LeBron James, babalik na sa Cleveland Cavaliers?
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, July 12, 2014
9:12 AM