Dahil sa naistorbo sa kanyang panonood ng telebisyon, hindi napigilan ng 62-anyos na lolo na tagain ang 25-anyos na construction worker sa bayan ng San Fabian sa lalawigan ng Pangasinan.
Nagambala umano sa panood ng telebisyon ang suspek na si Jaime Salvacion matapos pumasok sa kanilang bahay ang biktimang si Jeffrey Lagari, kapwa residente sa Barangay Lipit-Tomeeng sa nabanggit na bayan.
Nanggugulo umano ang biktima at naghamon pa ito ng suntukan, dahilan para mapikon ang matanda kaya kinuha nito ang kanyang itak at tinaga ang biktima.
Naisugod naman sa ospital ang binata na tinamaan sa kanyang likod habang kusang sumuko ang suspek na hindi pinagsisihan ang kanyang ginawa.
Narekober naman ng pulisya ang itak na ginamit ng suspek sa pananaga sa biktima.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Lolo, nanaga; biktima sugatan.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Friday, July 25, 2014
9:41 AM