Malabong tumama sa lupa o magkaroon ng landfall ang Low Pressure Area o LPA na nasa silangan ng Mindanao.
Ayon sa Pagasa, Southern Japan ang tutumbukin nito dahil inaasahang magpapatuloy ito sa pataas na direksyon.
Nananatili naman ang potensyal nito na maging bagong bagyo, kaya posible itong bigyan ng local name na tropical depression Inday.
Huling namataan ang LPA sa layong 840 kilometro sa silangan ng Mindanao.
Samantala, habagat pa rin ang nakakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon.
Dahil dito, asahan ngayong araw ang maulap na papawirin habang may mga pag-ulan naman sa bukas at maging sa darating na Lunes. | via@DOST_PAGASA
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
LPA, 'di tatama sa lupa.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, July 26, 2014
9:22 AM