TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

LPA na nalusaw muling nabuo, nakapasok na sa PAR; isa pang LPA maaring mabuo.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Thursday, July 24, 2014


Muling nabuo ang LPA na binabantayang ng Pagasa at nakapasok na ito sa Philippine Area of Responsibility kaninang alas-4:00 ng umaga.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang ang LPA sa layong 800 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Nabatid na nitong nakaraan ay inanunsiyo ng Pagasa na nalusaw na ang nasabing LPA ngunit bigla itong nabuo.

Mabagal umano itong kumikilos papuntang hilagang silangan at aasahang mararamdaman ang epekto sa loob ng 24 hanggang 36 na oras.

Apektado naman ng southwest monsoon ang Zambales, Bataan Panagsinan at magiging maulan ang nasabing probinsiya.

Makakaramdam naman ng paminsan-minsang pag-ulan ang Metro Manila, Cavite, Batangas, Ilocos, Cordillera region at MIMAROPA.

Samantala, nagbabadya namang papasok sa bansa ang isa pang namataan ang LPA sa layong 1,140 kilometro sa silangan ng Southern Luzon.

Ang ikalawang LPA ay aasahang mas malakas dahil sa laki ng cloud cluster niya, aktibo ang pag-ikot at malaki ang movement.

Kung hindi ito magbabago ng direksiyon ay aasahang papasok ito sa Pilipinas sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw. | via@DOST_PAGASA

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments