Tinanghal na kauna-unahang kampeon ng "The Voice Kids" ang 9-taong gulang batang nangangalakal ng basura na si Lyca Gairanod kagabi sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila sa Pasay City.
Sa pagbirit ni Lyca ng "Basang-basa sa Ulan" kasama ang "Aegis" ang pinaka-nagmarka sa publiko at naging susi sa tagumpay ng Tanza, Cavite Pride.
Binigyan siya ng standing ovation ng kanyang coach na si Sarah.
Bagamat kaagad na naiyak kasunod ng anunsyo, nagawa pa rin ng "The Voice Kids" Champion na awitin ang Regine Velasquez hit na "Narito Ako."
Kabilang sa mga iniuwi ng "Little Superstar" ang P1 milyon, one-year recording contract mula sa MCA Universal, house and lot, home appliance showcase, musical instrument showcase, at P1 milyong halaga ng trust fund.
Samantala, pumangalawa kay Lyca sa standing ang isa pang Team Sarah kid na si Darren, pangatlo si Juan Karlos ng Camp Kawayan at pang-apat si Darlene ng Team Lea. | via@Entertainment.ABS-CBN.com