TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Mag-aaral na nakunan ng marijuana na ipupuslit sana sa paaralan.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Friday, July 25, 2014

Dahil sa matinding takot at kahihiyan, tinangka umanong suhulan at bigyan ng bawal na gamot ng 14-anyos na high school student ang security guard na humuli sa kanya.

Kaugnay pa rin ito ng pagkakahuli sa nasabing estudyante ng La Union National High School kahapon makaraang mabisto na may dalang pitong sachet ng bawal na gamot na ipupuslit sana sa paaralan.

Ayon sa security guard na si Marvin Quenes, nang huliin umano niya at dalhin na sa guidance office ang binatilyo ay bumulong sa kanya ito at sinabing bibigyan ng dalawang sachet ng bawal na gamot at pera basta pakawalan lamang siya.

Dagdag pa niya, ninenerbyos at hindi na magkakasunod ang sinasabi ng bata dahil sa takot.

Gayunman, hindi natinag si Quenes at siya na ang nagsuplong sa bata dahil sa kanyang ginawa.

Samantala, sinabi naman ng guidance councilor na si Renato Casuga na aktibo umano at mabait ang nasabing bata kaya nagtataka sila kung paano ito nadamay sa bawal na gawain.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development ang binatilyo habang dedesisyunan pa kung magpapatuloy ito sa kanyang pag-aaral sa nabanggit na paaralan.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments