VIRGINIA, U.S.A - Patay ang mag-asawang Pinoy habang 36 ang sugatan sa pananalasa ng buhawi sa sikat na Campground sa Virginia sa Amerika.
Sa ulat ng pulisya, patay ang mag-asawa mula New Jersey nang isang puno ang bumagsak sa kanilang tent sa camping resort sa Chesapeake Bay.
Kinilala ang mag-asawa na sina Lord Balatbat at Lolabeth Ortega, kapwa 38 taong gulang.
Kabilang naman sa 36 sugatan ang 13-anyos na anak ng mag-asawa na nasa kritikal na kondisyon ngayon.
Nagbaligtarang mga sasakyan at nagtumbahang mga puno ang naiwang bakas ng tornado.
Nasa 1,300 indibidwal ang nasa Cherrystone Family Camping at RV Resort sa Chesapeake Bay nang tumama ang tornado.
Nahanap na ang lahat ng mga ito kabilang ang 40 staff ng Cherrystone.
Ayon sa National Weather Service, nagawang makapagpalabas ng emergency messages sa cellphones ukol sa F1-category tornado na may lakas na 73-112 miles per hour.
Ngunit hindi na nagawa pang makalikas o makaalis sa lugar ng mga camper dahil sa mabilis na pagtama ng tornado.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Mag-asawang Pinoy, patay sa pagtama na tornado sa Virginia, USA.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, July 26, 2014
9:29 AM