TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Mag-ina, sinapian diumano ng masamang espirito sa La Union.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Friday, July 11, 2014

Nabulabog ang magka-kapitbahay dahil sa umano'y pagsanib ng masamang espirito sa katawan ng mag-ina sa Purok 5 sa Barangay Sevilla, lungsod ng San Fernando, La Union kagabi.

Mismong nasaksihan ng reporter ng Bombo Radyo La Union na si Bombo JP Soriano ang pangyayari sa kanyang kapitbahay na 13-anyos na dalagita nang nagwawala at nagpupumiglas habang hawak ng mga kalalakihan, at dinadasalan pa ng isang pastor upang mapalayas ang umano'y espiritong sumapi sa katawan nito.

Nang pansamantalang nahimasmasan ang dalagita ay sinasabing sumapi ang naturang espirito sa kanyang ina ngunit hindi ito nagtagal at bumalik rin sa anak.

Ayon kay Soriano, palaging nasasambit ng dalagita na may nais itong patayin ngunit hindi niya masabi ang dahilan ng kanyang pagsapi.

Halos inabot na ng hatinggabi ang ginawang pagdarasal ng mga magka-kapitbahay na pinangunahan ng pastor dahil sa pagwawala ng dalagita.

Samantala, sa panayam naman sa ina ng dalagita ay sinabi nito na pangalawang beses nang sinaniban ang kanyang anak.

Ito rin umano ang unang pagkakataon na sumanib ang umano'y masamang espirito sa kanyang katawan.

Nabatid rin sa naturang ginang na ang kanyang anak ay isa sa limang mga elementary students na sinapian din ng umano'y masamang espirito sa Sevilla Community School na naging dahilan upang suspendihin ang kanilang klase kahapon.

Matatandaang  sinuspinde ng pamunuan ng Sevilla Community School ang kanilang klase dahil sa umano'y pagsanib ng masamang espiritu sa katawan ng limang elementary pupil sa Brgy. Sevilla, San Fernando City, La Union kahapon ng tanghali.

Sinasabing isa sa mga sinaniban ang nakakita umano ng isang maitim na lalake sa kakahuyang bahagi ng paaralan.| via@BomboJPSoriano Bombo Radyo La Union

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments