ESCALANTE CITY - Nagsasagawa na ngayon ng masinsinang imbestigasyon ang kapulisan sa lunsod ng Escalante, Negros Occidental upang matukoy ang mga suspek na nagnakaw sa loob ng city hall ng nasabing lungsod.
Ayon sa Escalante City Police Station, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay umaabot sa P2 milyon na pera ng lungsod ang nawala.
Ang nasabing pera ay nakatago sa isang steel vault sa loob ng cashier’s office sa loob ng city hall.
Ang insidente ay na diskubre ng utility worker ng city hall noong Linggo ng hapon at agad na ipina-alam sa kapulisan matapos nakitang bukas at sira na ang steel cabinet sa loob ng tanggapan at wala na rin ang tatlong cash steel box sa loob na nilalagyan ng pera.
May guardiya din na naka-assign upang magbantay ngunit may mga oras na walang bantay dahil sa gap sa schedule ng susunod na nagbabantay.
Sa ngayon, ini-establish pa ng pulisya kung anong oras posible pumasok ang mga magnanakaw na tinatayang hindi bababa sa dalawang katao. | via@EscalanteCityPoliceStation
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Mahigit sa P2-M, ninakaw sa loob ng city hall ng Escalante City.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Tuesday, July 15, 2014
9:31 AM