Idineklara ng Municipal Health Officer o MHO ng Alabel, Sarangani Province ang tigdas outbreak sa bayan.
Batay sa datos ng MHO-Alabel, umabot na sa 189 ang hinihinalang biktima na ng tigdas sa bayan mula Enero hanggang unang linggo ng Hulyo.
Pinakamarami sa liblib na Barangay Pagasa na umabot na sa mahigit 110 ang kaso.
Ayon sa Municipal Health Officer ng Alabel, lagpas na sa epidemic curve na ang mga batang kinakitaan ng sintomas ng tigdas.
Dalawa na rin ang naiulat na namatay roon.
Mabilis na kumalat sa mga barangay ang tigdas kaya magsasagawa na ng house-to-house campaign ang MHO para mapigilan ang pagdami pa ng kaso.
Target sa kampanya na mahanap ang mga batang hindi pa napabakunahan. | via@MHO-Alabel
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Measles outbreak, idineklara sa Alabel, Sarangani.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Wednesday, July 9, 2014
9:32 AM