Nabigla ang mga residente ng Olympog, General Santos City nang umulan ng yelo sa kanilang lugar kaninang pasado alas-3:00 kahapon ng hapon.
Kinumpirma ni Kagawad Bebot Barcelona ang nasabing pangyayari kung saan pinakaunang pangyayari ito sa kanilang lugar.
Ayon namansa mga residente ng Purok Bescayda, Brgy. Olympog, bago ang pag-ulan ng yelo ay nasaksihan ng mga ito ang maitim na kaulapan hanggang sa biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.
Ngunit nagtataka umano ang mga residente bakit sa sobrang ingay ng mga patak ng ulan sa kanilang bubungan.
Nang tingnan ng mga ito ay kanilang nakita ang mga yelo na kasinglaki ng butil ng mani.
Agad namang natunaw ang nasabing mga yelo.
Nagresulta ito sa pagkakabali ng malilit na sanga ng mga kahoy at nalagas rin ang dahon ng mga tanim nang tamaan ng mga yelo.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Mga residente sa GenSan nabigla sa pag-ulan ng yelo sa kanilang lugar.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, July 19, 2014
1:04 PM