Patuloy na inoobserbahan ng mga doktor sa Aklan Provincial Hospital kung may pagbabago sa ugali ng isang misis sa Barangay Guanco, Balete, Aklan.
Ito'y dahil matapos na makagat ng aso ay kinagat naman nito ang kanyang mister, dalawang anak at ang pinakahuli ay ang kanyang kapatid.
Ayon sa ama ng 21-anyos na pasyenteng tumangging magpasambit ng pangalan, nababahala na sila sa kondisyon ng kanyang anak dahilan na dinala na nila ito sa ospital.
Una umanong kinagat nito ang kanyang mister may dalawang buwan na ang lumipas na sinundan ng kanyang pagkagat sa dalawang maliliit na anak at ang pinakahuling insidente ay noong nakaraang araw matapos na kagatin ang kanyang 14-anyos na kapatid na lalaki.
Sinabi pa nito na maaaring naapektuhan ng rabies ang kanyang anak makaraang makagat ito ng aso nang siya ay 12 taong gulang pa lamang.
Ngunit hindi umano nila ito dinala sa doktor upang mapabakunahan ng anti-rabies kung saan pinahiran lamang nila ng bawang ang sugat at iba pang mga dahon.
Isinalaysay pa nito na halos apat na taon nang sinusumpong nang ganito ang kanyang anak na parang isang asong ulol kung saan ay sinisiksik nito ang sarili sa sulok, naglalaway, parang balisa at hirap sa paghinga.
Ngunit hindi naman umano ito takot sa tubig dahil palagi naman itong naliligo.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Misis, kinaagat ang mister, pati 2 anak at isa pang kapatid.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, July 12, 2014
9:21 AM