TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Misis sa Cebu may arrest warrant dahil sa post sa Facebook.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Wednesday, July 30, 2014


Pinaghahanap ngayon ng batas ang isang misis dahil sa arrest warrant na ipinalabas ng Cebu City Prosecutor's Officer kaugnay sa umano'y mapanirang komento sa social networking site na Facebook.

Sa resolusyon ni Prosecutor Ricky Jones Macabaya, nagsasaad na lahat ng mga elemento sa kasong libelo ay makikita sa mga nailathala ni Maryjell Truscot sa kanyang FB account.

Dagdag pa ni Macabaya, mapanira umano ang mga salitang “scammer” na ginawa sa publiko at nagdulot nang pagkapahiya ng complainant na si Josephine Sayago.

Dahil dito, inirekomenda ang P6,000 na piyansa para sa nasasakdal.

Una rito, noong Mayo 2013 naghain ng reklamo si Sayago sa piskalya matapos makita at na-tag ang 21 kaibigan nito sa FB na labis ang naidulot na psychological disturbance, sleepless nights at paninira umano sa kanyang pagkatao. | via@BomboRadyoCebu

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments