TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Mister nilagyan ng sili ang ari ng kanyang misis.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, July 19, 2014

E.B MAGALONA, NEGROS OCCIDENTAL - Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Children ang isang mister dahil sa paglagay ng sili sa ari ng kanyang asawa sa bayan ng EB Magalona sa lalawigan ng Negros Occidental.

Pursigido ang 22-anyos na misis na maparusahan ang 34-anyos na mister  dahil sa pang-aabuso na ginawa sa kanya.

Ang suspek na isang karpintero ay nakakulong ngayon sa EB Magalona Police Station at patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Women and Children's Protection Desk sa kaso nito.

Napag-alamang hindi pa nakabihis ang biktima matapos naligo noong isang umaga ng ito ay tinadyakan ng mister at hinaplos ng sili ang ari matapos nagalit ng hindi nakauwi ng isang gabi ang misis.

Ayon sa suspek, gusto lamang nitong disiplinahin ang misis dahil sa kanyang ginawa.

Napag-alaman din ma may hindi pagkakaintidhan na namamagitan sa dalawa dahil hindi pumapayag ang mister sa kagustuhan ng misis na maghanap ng trabaho dahil kulang umano ang kaniyang kinikita bilang karpintero para mapakain ang tatlo nilang mga anak.

Sa ngayon ay nagsisisi ang mister at hindi inakala na makukulong pala siya sa kanyang ginawang pagdisiplina umano sa misis.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments