TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Mister sinasaksak ang Misis dahil sa busy sa text.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, July 19, 2014

Handa umano ang pulisya sa San Miguel, Surigao del Sur na magbigay ng tulong sa pamilya ng isang Ginang na sinaksak at napatay ng asawa dahil lamang sa pagiging abala umano sa pagti-text.

Sinaksak ni Gerardo Betinol ang kanyang misis na si Susanna, 42-anyos, kapwa residente sa nasabing lugar.

Napag-alaman, mula umano sa sakahan ang suspek at umuwi upang kumain ng agahan nang kanyang madatnan ang misis na busy sa pagti-text.

Dahil sa pagseselos, iginiit ng suspek na may ibang karelasyon ang biktima bagay na pinasisinungalingan ng huli na nagresulta sa away ng dalawa.

Biglang kumuha ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang kanyang misis sa iba't ibang bahagi ng katawan na nagresulta upang hindi na ito umabot ng buhay sa San Miguel Community Hospital sa Brgy Tina, San Miguel, Surigao del Sur.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments