TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Nasa signal No.1 na ang 6 provinces dahil sa bagyong 'Glenda'.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Monday, July 14, 2014

Napanatili ng bagyong "Glenda" ang lakas matapos pumasok na sa Philippine Area of Responsibility o PAR.

Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo sa layong 940 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 80 kilometro kada oras at mayroong pagbugso na 8 kilometer per hour.

Mamayang gabi inaasahang nasa 400 kilometers na ang bagyo sa Virac.

Dahil dito, nasa storm signal number 1 na ang Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Northern Samar.

Aasahang magla-landfall ang bagyo sa Quezon o Aurora province.

Sa araw din ng Miyerkules aasahang lalabas ito sa Pangasinan o Nueva Ecija.

Inaasahang mararamdaman na bukas ang pag-ulan sa mga apektadong lugar. | via@PAGASA

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments