Umapela sa publiko ang organizer ng "Last Home Stand" charity event na sana manatili pa rin sila sa pagsuporta sa Gilas Pilipinas kahit na nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan at hindi natuloy ang friendly game kagabi sa ilang piling NBA superstars.
Bukod sa mga Pinoy fans, marami ring mga dayuhan ang nadismaya sa hindi natuloy na laro ng Gilas Pilipinas laban sa mga sikat na NBA stars tulad nina Damian Lillard ng Portland Trailblazers, Demar DaRozan ng Toronto Raptors, Tyson Chandler ng Dallas Mavericks, Toronto Raptors guard Kyle Lowry at James Harden ng Houston Rockets.
Bigla na lamang nag-iba ang timpla ng mga fans na nanood kagabi nang ianunsyo nila na walang mangyayaring laro dahil sa biglang pagtawag ng pamunuan ng NBA kay Kyle Lowry na kung ituloy nila ang laro kung hindi ay mumultahan sila at sila ay isususpendi.
Ikinabahala raw kasi ng mga players ang suspension dahil maaaring ito na ang katapusan ng kanilang career.
Nagtaka rin ang mga organizer kung bakit hindi sila pinayagan dahil sa malinaw ang usapan nila na ang nasabing event ay isang charity game para makatulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Nakatakda naman magkaroon ng refund o pagsasauli ng bayad sa mga nakabili na ng tickets.
Una rito, maging ang business tycoon na si Manny V. Pangilinan na nasa likod din ng event ay nag-sorry sa mga fans kasabay ng pag-offer ng refund.
Sa kanyang twitter message, inako naman nito ang sablay na pangyayari pero hindi nito tinukoy kung sinong mga opisyal niya ang dapat na managot.
Tinawag din niyang "setback" ang pangyayari pero hindi ito sagabal para ituloy ang pagsuporta sa national basketball team ng bansa.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
NBA at Gilas Game, palpak.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Wednesday, July 23, 2014
9:48 AM