TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

OFW sa Saudi, na-trauma nang tinangka gahasain ng Pakistani taxi driver.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Tuesday, July 22, 2014

Hindi pa rin nakakarekober mula sa pagka-trauma ang isang Overseas Filipino Worker o OFW na nagtatrabaho sa Jeddah, Saudi Arabia, kaugnay sa naging karanasan sa kamay ng isang Pakistani.

Si Jayson Baay, tubo ng Vintar Ilocos Norte, ay halos ayaw nang lumabas sa kanyang kuwarto dahil sa nararamdaman pa ring takot.

Sa kuwento ni Baay, tinangka siyang halayin ng isang taxi driver na Pakistani nang sumakay ito pauwi mula sa dinaluhang party ng kanyang kaibigan sa Jeddah.

Dinala umano siya ng Pakistani driver sa isang malayong lugar at tinangkang halayin ngunit lumaban siya hanggang sa makatakas.

Ayon kay Baay, matatapos na ang araw ng bakasyon na ibinigay sa kanya ng pinagtatrabahuang kompanya ngunit ramdam pa rin niya ang takot kaya hindi siya lumalabas mula sa kanyang kuwarto lalo at karamihan sa mga tao na nasa kanyang paligid ay mga Pakistani.

Si Bay ay pitong buwan pa lamang nagtatrabaho bilang taga-silbi ng tea sa mga bangko sa Jeddah.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments