Nagmistulang isang reality TV show na "Rescue 911" ang pagsagip ng isang lalaki na natangay ng malakas na alon ng tubig sa barangay Malingin, bayan ng Daanbantayan,Cebu dahil sa walang tigil na ulan.
Kinilala ang lalaking sinagip ng Local Disaster Unit na si Junior Moralde, residente ng nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Daanbantayan Mayor Augusto Corro, kanyang sinabi na si Moralde umano ay nagmamaneho sa kotse nito at patungo sana sa lungsod ng Cebu na may biyaheng walong oras, galing sa nasabing bayan.
Kahit umaapaw ang tubig sa tulay ay itinuloy umano ng biktima ang paglalakbay.
Dahil sa lakas ng puwersa inanod ang kotse at masuwerte umanong nakatalon pa si Moralde.
Sasagipin sana ng mga nakakita ang biktima ngunit hindi nagawa dahil sa malakas na agos ng tubig.
Ang kotse ay inanod at hindi na natagpuan habang si Moralde naman ay nailigtas ang sarili sa tulong ng bakawan nang itoy nahawakan.
Pahirapan ang Rescue Operation kay Moralde at umabot pa sa tatlong oras upang masagip ng Local Disaster Team.
Samantala, inihayag ni Mayor Corro na suspendido na ang mga klase ng state university at nakaalerto na rin ang mga opisyal sa hindi magandang panahon. | via@BomboRadyoCebu
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Pagligtas sa lalaking 3 oras palutang-lutang sa baha sa Cebu, mistulang reality show.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, July 26, 2014
6:12 PM