TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Pamilya Servando, nangangambang hindi makakamit ang hustisya sa pagkamatay ng anak.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Thursday, July 3, 2014

Nangangamba ang ama ng hazing victim na si Guillo Cesar Servando na baka nakalabas na sa bansa ang ibang suspek na kasama sa initiation rites na ikinamatay ng kanyang anak.

Ayon kay Aurelio Servando, mayayaman at maiimpluwensiyang tao umano ang ibang nasa listahan ng labing isang kasama sa isinagawang initiation rites sa Palanan, Makati kayat maaring pinapunta na ang mga ito sa ibang bansa para magtago.

Dahil dito, matapos ma-cremate ang bangkay ng kanyang anak ay nakahanda siyang kausapin ngayong araw ang caretaker ng bahay na si Jomar para gawing testigo.

Una rito, sumuko sa MPD ang caretaker habang umamin na miyembro ito ng Tau Gamma Phi at nakikipagtulungan para sa ikadadakip ng mga kabataang nagsagawa ng nasabing Krimen.

Samantala, durog nanaman ang puso ni Aurelio makaraang mapanood ang huling inilabas na CCTV footage kung saan kitang kita dito ang paghihirap ng kanyang anak habang pinapabayaan lamang ng mga kasamahan.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments