TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Pari, ginamit sa load scam?

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, July 26, 2014

Aabot sa P16,000 ang nakuha mula sa isang Barangay Kapitan at sikat na negosyante dahil sa load scam gamit ang pangalan ng Parish Priest ng Candon City, Ilocos Sur.

Batay sa salaysay ng negosyanteng si Mr. Pedimar Munda ng San Isidro sa nasabing siyudad, itinawag sa kanya ng kanilang kapitan na si JP Singson na maghanda siya ng pagkain sa halagang P10,000 at kakain doon ang kanilang parish priest na si Fr. Ronald Donia, at kanyang mga kasamang heneral at iba pa.

Habang naghahanda sila ng pagkain, tumawag ang nagpakilalang si Fr. Ronald Donia na kanilang pari at sinabing magpapa-load ng ilang tig-P500 pesos sa Globe at Smart na umabot ng P13,000.

Hanggang humingi na naman ng limang load na tig-P500 at dito na kinutuban ang biktima.

Tinawagan nito si Barangay Captain Singson at dito niya nalaman na binigyan din ng barangay kapitan ng load ang nagpakilalang Fr. Ronald Danio na umaabot sa P3,000 bukod pa sa inihahanda niyang prepaid card na nagkakahalaga ng P3,000 na kukunin sana nila sa kanya.

Dito napagtanto ng dalawa na biktima na sila ng load scam matapos nakumpirmang hindi totoong nagpahanda ng pagkain at hindi totoong nagpa-load siya para sa kanyang mga bisita.

Samantala, ikinalungkot naman ng totoong Fr. Ronald Danio ang paggamit sa kanyang pangalan.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments