Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
'Philippine Arena' ng INC, binuksan na.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Monday, July 21, 2014
9:30 AM
Dinaluhan ni Pangulong Noynoy Aquino ngayong umaga ang inagurasyon ng Ciudad de Victoria, partikular ang Philippine Arena ng Iglesia Ni Cristo o INC sa Bocaue, Bulacan.
Ito ay may floor area na 99,000 square meters at sitting capacity na 55,000.
Nakadisenyo ito laban sa lindol o anumang kalamidad dahil sa mga tubular steel columns at napakaraming core shear walls.
Napag-alamang ginastusan ito ng $200 million.
Ang bowl-shaped structure ay inspirado ng narra, ang pambansang punongkahoy ng Pilipinas at binuo sa konsepto ng world-acclaimed architectural firm na Populous.
Kabilang sa mga naitayo ng Populous ang 23,000-seat O2 Arena sa London, at iba pang sports arenas at stadiums sa mundo.
Kasama ng Populous ang Buro Happold, isang British professional services firm para sa structural engineering at ang Korean firm na Hanwha Engineering and Construction para sa completion ng proyekto.
Sinasabing world-record ang istrukturang ito dahil maituturing na pinakamalaking indoor arena sa buong mundo.
Maliban sa arena, nasa loob din ng Ciudad de Victoria ang malaking stadium na maaring pagdausan ng mga world sporting events gaya ng football o basketball World Cup.
Ginawa ang inagurasyon isang linggo bago ang 100 anniversary ng Iglesia Ni Cristo sa July 27, araw ng Linggo.