TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Pinaaalerto ng Malacanang ang NDRRMC kaugnay sa pananalasa ng bagyong 'Henry'.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Monday, July 21, 2014


Pinaaalerto at pinapa-doble-kayod ng Malacanang ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC kaugnay sa pananalasa ng bagyong Henry.

Partikular na kanilang pinapatutukan ang Silangang Samar, Dinagat at mga isla ng Siargao at Surigao del Norte, gayundin sa Bicol at Southern Luzon.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, patuloy na pinapayuhan ng pamahalaan ang mga naninirahan sa mga tinurang lalawigan na maging alerto sa maaaring pagkakaroon ng flash floods at landslides.

Ipinaaalala rin sa mga mangingisda na huwag nang maglayag mula sa mga silangang baybayin patungong karagatan ng Bicol, Visayas at Mindanao.

Samantala, ayon pa kay Coloma, patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan upang lubos na mapanumbalik sa normal ang mga siyudad at pamayanan na sinalanta ng bagyong ‘Glenda’.

Maliban sa paglilinis ng mga daan at lansangan, sinisimulan na rin ng gobyerno ang muling pagsasaayos at pagkukumpuni ng mga mahahalagang pampublikong imprastruktura para sa agarang pagbabalik ng mga serbisyong pambayan at pagbubukas ng komersyo lalo na sa mga maliliit na bayan. | via@Malacanang

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments