TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Pinaalalahanan ng environmental watchdog ang publiko na maging mapanuri sa pagbili ng raincoats ngayong panahon ng tag-ulan.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Sunday, July 6, 2014

Pinaalalahanan ng environmental watchdog ang mga magulang na maging mapanuri sa pagbili ng raincoats para sa kanilang mga anak ngayong panahon ng tag-ulan.

Ayon sa EcoWaste Coalition, dapat iwasan ng mga magulang ang pagbili ng mga raincoat na gawa sa polyvinyl chloride o PVC plastic na anila'y nagtataglay ng nakalalasong mga kemikal tulad ng lead, na may masamang epekto sa utak at sa central nervous system.

Nag-positibo sa laboratory test ang lima sa anim na PVC raincoats na mabibili mula P130 hanggang P200 sa ilang tindahan sa kaMaynilaan tulad ng Divisoria, Baclaran, Maynila at Pasay.

Sa pagsusuri ng SGS na isang global testing company, nakitaan ng 164 parts per million (ppm) hanggang 574 ppm ng lead ang mga raincoat.

Malayo ito sa permissible limit na 100 ppm lamang.

Kabilang sa mga panangga sa ulan na nakitaan ng nakalalasong kemikal ang mga sumusunod:

1. "Tweety Bird" yellow raincoat na may 574 ppm lead (yellow material)
2. Dilaw na student raincoat na nakitaan ng 243 ppm lead
3. Dilaw na "Winnie the Pooh" raincoat na nagtataglay ng 217 ppm lead
4. "Tweety Bird" yellow rain coat na may 190 ppm lead (cartoon figure)
5. Asul na "Mickey Mouse" na nakitaan ng 164 lead

Ayon kay Thony Dizon, coordinator ng EcoWaste Coalition Project Protect, patuloy na naglalabas ng toxic chemical ang mga raincoat na gawa sa PVC plastic material habang ito'y ginagamit.

Bukod sa nakasasama sa kalikasan, mapanganib din anya lalo na sa mga bata ang paglanghap sa mga kemikal na ito.

Payo ng EcoWatse sa mga magulang, iwasan ang pagbili ng raincoat na gawa sa nakalalasong PVC material.

Makabubuti rin anila kung ipaaalala sa mga anak ang kahalahagahan ng paghuhugas ng mga kamay matapos maglaro o bago kumain.

Nanawagan naman enviromental watchdog sa mga manufacturer na itigil na ang paggamit ng lead at iba pang nakalalasong kemikal at sahalip ay gumamit na lamang ng mas ligtas na sangkap sa paggawa.

Dapat din maging tapat sa label ng anumang produkto lalo't karapatang malaman ng konsyumer kung saan gawa ang bibilhing produkto. | via@ABS-CBNnews

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments