Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Riyadh ang kaso ng Pinay na minaltrato umano ng amo nito sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ayon sa mga kaanak ni Elena Husay, 56-anyos at taga-Laguna na limang buwan ng nasa Saudi Arabia upang magtrabaho.
Una nilang sinabi na nasa ospital anya si Husay dahil kinalbo, binugbog at pinaso umano ng amo nito.
Ayon sa Philippine Embassy sa Riyadh, binisita na ng tauhan ng embahada maging ng Philippine Overseas Labor Office o POLO at Department of Social Welfare and Development o DSWD ang Pinay ng tatlong beses.
Ayon sa mga nurse ng ospital kung saan nananatili ang biktima, Hunyo 16 nang dinala ito ng isang Red Crescent Ambulance matapos siyang madiskubre sa hindi pa nalalamang lugar.
Unang dinala ito sa emergency room saka inilipat sa intensive care unit o ICU.
Hulyo 1 naman nang nailipat na si Husay sa recovery ward ng ospital.
Dahil sa tindi ng tinamong sugat, nasa limang specialist ang tumitingin dito.
Gayunman, bumuti-buti na ang kalagayan ng biktima dahil nakakapagbiro na ito at nakapagbigay na rin ng kanyang statement.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Pinay, minaltrato umano ng amo sa Riyadh.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Wednesday, July 9, 2014
9:28 AM