Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Pinoy Math Wizards, humakot ng 39 award sa South Korea.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Wednesday, July 30, 2014
9:51 AM
Muli na namang itinayo ng ilang kabataan ang bandila ng Pilipinas sa ibang bansa.
Ito'y matapos humakot ng kabuuang 39 na parangal ang ilang mag-aaral na Pinoy sa katatapos na Korea International Mathematics Competition o KIMC na ginanap sa Daejeon, South Korea.
Nakapag-uwi ng dalawang gold, apat na silver at walong bronze medals ang mga kinatawan ng bansa habang 12 merit award ang nasungkit ng Pilipinas sa individual category ng kompetisyon na ginanap noong Hulyo 22 hanggang 26.
Kampeon sa tatlong kategorya ang Pilipinas, first runner-up sa isa at nakasungkit din ng siyam na second runner-up.
Kapwa nag-uwi ng gold medal sina Albert John Patupat ng Holy Rosary College at Clyde Wesley Ang ng Chiang Kai Shek College.
Silver medalists naman sina Fedrick Lance Lim ng Zamboanga Chong Hua High School, Eion Nikolai Chua ng MGC New Life Christian Academy, Jonathan Conrad Yu ng Philippine Christian Gospel School at Shaquille Wyan Que ng Grace Christian College.
Humakot din ng bronze medals sina Kelsey Lim Tiong Soon ng Grace Christian College, Andrea Jaba ng St. Jude Catholic School, David Alexander Amante ng Canossa Academy-Lipa City, Juan Pablo Abola ng PAREF Southridge School, Kylee Wiona Sy ng Pace Academy, Audrey Sy ng St. Jude Catholic School, Miko Johnson Co ng St. Stephen's High School at Vince Jan Torres ng Sta. Rosa Science & Technology High School.
Merit awards naman ang natanggap nina Hans Benedict Te ng Bacolod Tay Tung High School, Gregory Charles Tiong ng St. Jude Catholic School, Robert Gerard Diaz Uy ng St. John Institute, Regina Beatrice Bonifacio ng Mother Goose Special School System, Ma. Leibniz Charisse Parra ng Saint Paul College-Pasig, Marjana Ysabella Montanez ng Heneral Pio del Pilar Elementary School (Main), Alyssa Guevarra ng Philippine Science High School-Main, Isabel Jocyn Villanueva ng PAREF Woodrose School at Naomi Anne King, Jinger Chong at Isabella Mae Tan, na pawang estudyante ng St. Jude Catholic School.
Nakatunggali ng Pilipinas ang kabuuang 575 elementary at high school students mula sa 30 ibang bansa na kinabibilangan ng Australia, Brunei, Bulgaria, Canada, China, Cyprus, Hong Kong, India, Indonesia, Iran, Japan, Kazakhstan, Macau, Malaysia, Mexico, Mongolia, Nepal, Netherland, Nigeria, Philippines, Romania, Russia, Singapore, South Africa, South Korea, Sri Lanka, Taiwan, Thailand, Uzbekistan, Vietnam at Zimbabwe. | via@ABS_CBNnews.com