TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Polish National, huli sa pagpakalat ng pekeng pera sa Negros.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Friday, July 11, 2014

CANDONI, NEGROS OCCIDENTAL - Kulong at nakatakdang sasampahan ng kaso ang isang Polish National na nahuling may dalang pekeng pera sa Negros Occidental.

Kinilala ang dayuhan na si Wociech Stolarski, 32-anyos, ng Lubin City, Poland na nahuli dakong alas-9:00 ng gabi noong Miyerkules sa bayan ng Candoni.

Ayon sa Candoni PNP, nakuha kay Stolarski ang bundle-bundle na counterfeit money sa iba't ibang denominations na umaabot sa kabuuang P25,000.

Ito ay nahuli matapos magsumbong sa pulisya ang may-ari ng isang tindahan kung saan bumili ang dayuhan ngunit nadiskubreng peke pala ang ibinayad na pera.

Kaagad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang kapulisan at kanilang nahuli ang dayuhan sa Brgy. Dancalan, Ilog.

Ikinakatwiran naman ng suspek na ibinigay lamang sa kanya ang pera at hindi nito alam na peke pala.

Ngunit pinaniniwalaan na may kinukunan ito na nagma-manufacture ng counterfeit money na siyang pinapakalat sa lalawigan.

Ayon pa sa Candoni PNP, nakatanggap na sila ng impormasyon na may mga pekeng pera sa kanilang bayan ngunit hindi pa natukoy na isang dayuhan pala ang nasa likod.

Batay sa kanilang imbestigasyon, galing sa Iloilo ang dayuhan at pumunta sa isla ng Negros kung saan modus nito ang pagbili ng ilang items sa mga tindahan gamit ang pekeng pera at tumatakas sakay sa motorsiklo. 

Samantala, nadiskubre naman na may girlfriend ito sa lungsod ng Cebu at posible raw na doon nito kinukuha ang mga counterfeit money.

Kasong paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code o illegal possession and use false treasury or bank notes and other instrument ang isasampa sa nasabing dayuhan. | via@CandoniPNP

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments