Aminado ang ospital ng Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital ng Ilocos Norte na talamak ang pusa sa loob ng bahay pagamutan.
Kinumpirma pa ng isang doktor sa nasabing ospital na dalawang bantay ng pasyente ang kinagat ng mga pusa at sa ngayon ay inoobserbahan ang mga ito matapos silang maturukan ng anti-tetanus.
Isa pang bantay ng pasyente ang nagreklamo matapos siyang kagatin at pinagkakalmot ng mga pusa nang ito'y atakehin habang hawak-hawak ang tray na pinaglagyan ng pagkain ng kanilang pasyente.
Ilang pusa na ang nahuli at ibinigay sa Provincial Veterinary Office.
Nahihirapan pa rin silang magpaalis sa mga naglipanang pusa sa ospital dahil hindi naman nila maaring patayin ang mga ito dahil labag sa batas.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Pusa, naglipana sa loob ng ospital ng Ilocos Norte.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Friday, July 18, 2014
9:30 AM