Inirereklamo ngayon ng mga residente sa Barangay Caoayan sa bayan ng Sual sa lalawigan ng Pangasinan ang isang poultry farm na pagmamay-ari ng isang doktor dahil sa dami ng langaw sa kanilang lugar na nagmumula sa nasabing farm.
Ayon sa Chairman sa nasabing Barangay, matagal na silang nagtitiis sa dami ng langaw na napupunta sa kanilang mga kabahayan dala ng farm na pag-aari ng isang Doctor.
Dahil sa dami umano ng langaw, halos hindi na sila makakilos ng maayos.
Kinakailangan narin nilang gumamit ng kulambo tuwing kakain upang hindi dapuan ng langaw ang kanilang pagkan.
Napag-alamang isang bata na rin ang nagkasakit dala ng maraming langaw maliban pa sa ilang residente narin ang nagkakaroon ng sugat sa balat dala ng mga langaw.
Nangako naman ang may-ari ng manukan na tutulong sa mga apektadong residente subalit posibleng hilingin itong ipasara ng barangay council kung patuloy parin sa pagdami ang mga langaw sa lugar kahit nagsagawa na ng fogging operation.
Maliban sa barangay Caoayan, apektado narin ang tatlo pang kalapit barangay na kinabibilangan ng Paitan West, Capantolan at Baybay Sur.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Residente sa Pangasinan, nagkakasakit na dahil sa dami ng langaw sa kanilang lugar.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Thursday, July 10, 2014
9:23 AM