Plano ngayong magsampa ng kaso ng mga magulang ng isang high school student sa bayan ng Daraga sa Albay matapos kumalat ang sex video ng kanilang anak.
Una rito, pinakaguluhan hindi lamang ng mga estudyante sa pinapasukan nitong paaralan kundi maging sa kabarangay nito ang kumalat na video ng biktimang si alyas Janice.
Napag-alaman kasama ng dalaga sa nasabing video ang kanyang boyfriend na schoolmate din nito.
Ayon sa ulat, niyaya ng suspek na itinago lamang sa pangalan na John, ang kasintahan na huwag na pumasok at tumambay na lamang sa kanilang bahay dahil wala itong kasama sa kanila.
Pumayag naman ang dalaga hanggang sa may mangyari sa kanila.
Hindi alam ng biktima na bago pa man makarating ang mga ito sa bahay ay nakakabit na ang camera sa loob ng kuwarto.
Sa nasabing video, kitang-kita ang mukha ng dalaga habang hinuhubaran ng kasintahan hanggang sa kanilang pagtatalik.
Kinabukasan, nabigla na lamang ang biktima nang malamang kinunan ng kanyang boyfriend ang kanilang ginawa at ipinakalat.
Sa ngayon, hindi na rin makalabas ng kanilang bahay ang biktima dahil sa labis na kahihiyan habang ayaw naman na kumpirmahin ng kasintahan nito ang akusasyon.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Sex video ng magkasintahang high school student sa Albay, pinagpiyestahan.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, July 5, 2014
12:54 PM