TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

SONA ni PNoy sa Lunes, handang-handa na.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, July 26, 2014

Handang-handa na ang Batasan Pambansa sa Commonwealth, Quezon City para sa State Of the Nation Address o SONA ni Pangulong Noynoy Aquino sa Lunes, Hulyo 28.

Bilang bahagi ng preparasyon, pinalitan na rin ng bagong bandila sa plenaryo, nakalatag na ang red carpet habang naiayos na ang tulo sa kasime.

Ilang araw ring nilinis, kinumpuni at pininturahan ang Batasan Pambansa.

Handa na rin ang menu na puro pagkaing pinoy ang ihahain gaya ng pancit at kakanin.

Pinondohan ng P2-milyon sa ikalimang SONA ng Pangulo.

Kahapon pa lang, mahigpit na ang seguridad sa Batasan.

Hindi pinapapasok ang mga walang color coded ID, idinadaan sa checkpoints lahat ng sasakyan at nakakalat na ang mga bomb sniffing dogs.

Sa Lunes, tanging may accredited ID, carpass at imbitasyon lang ang papasukin sa Kamara.

Nasa 1,000 bisita na karamiha'y, kakampi ng Pangulo ang inaasahang dadalo sa kanyang ulat sa bayan.

Darating din ang mga miyembro ng diplomatic community, mga miyemebro ng gabinete at iba pang sangay ng gobyerno.

Magsasanib-pwersa naman ang Presidential Security Group o PSG, Philippine National Police o PNP, Armed Forces of the Philippines o AFP at Internal Security ng House sa pagbabantay.

Inaasahang magiging mainit ang SONA sa harap ng tatlong reklamong impeachment laban sa Pangulo kaugnay ng DAP.

Bukod sa mga isyu ng mataas na presyo ng bilihin, brownout, bagal ng rehabilitasyon sa mga lugar na winasak ng Bagyong Yolanda at bumababang ratings ng Pangulo.

Samantala, hindi oobligahin ang mga taga-palasyo na magsuot ng yellow ribbons sa Lunes.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments